BPATs, nakilahok sa pagpapatrolya sa Benguet

0
515919758_1383876256207747_4330147157402799008_n

Aktibong nakilahok ang mga miyembro ng Barangay Peacekeeping Action Team ng La Trinidad sa isinagawang pagpapatrolya sa Upper Obulan – Sapsing – Backong, Cawat – Busi – Central Beckel, La Trinidad, Benguet nito lamang ika-13 ng Hulyo 2025.

Ang nasabing aktibidad ay pinangunahan ng mga tauhan ng La Trinidad Municipal Police Station.

Tampok sa aktibidad ang pagsasagawa ng pagpapatrolya sa mga nasabing barangay upang hadlangan ang krimen at tiyakin ang kaligtasan ng komunidad.

Ang pagsisikap na ito ay naaayon sa misyon ng PNP na mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa nasabing lugar.

Layunin ng pakikipagtulungan ng BPATs na maisagawa ang mga responsibilidad at tungkulin bilang peacekeeping personnel bilang kasangga ng kapulisan sa pagpapanatili ng kaayusan at kapayapaan sa kanilang nasasakupan alinsunod sa adhikain ng pamahalaan na mapabuti ang estado ng bansa tungo sa Bagong Pilipinas.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *