Community Dialogue, isinagawa sa Tanza, Cavite

0
viber_image_2025-07-16_12-52-16-222

Bilang bahagi ng pinaigting na kampanya laban sa kriminalidad, naging matagumpay ang isinagawang Community Dialogue na ginanap sa Barangay Daang Amaya I, Tanza, Cavite nito lamang ika-15 ng Hulyo 2025.

Naisagawa ang aktibidad na ito sa pangunguna ng mga tauhan ng Tanza Municipal Police Station sa pamumuno ni PLtCol Al-Rieza S. Kinang, ACOP, kasama ang mga transport group ng nasabing lugar.

Tinalakay sa nasabing aktibidad ang patungkol sa Criminality campaigns at Crime Prevention.

Layunin ng aktibidad na ito na palalimin pa ang kaalaman ng mga miyembro ng komunidad, partikular na ng sektor ng transportasyon, hinggil sa mga hakbang para makaiwas sa krimen at mapanatili ang katahimikan at kaayusan sa lugar. Sa pamamagitan ng patuloy na ugnayan ng kapulisan at mamamayan, inaasahang magiging mas epektibo ang pagsugpo sa iba’t ibang uri ng kriminalidad sa ating pamayanan.

Source: Tanza MPS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *