Municipal Advisory Council Meeting, idinaos sa Cebu
Masigasig na idinaos ang Municipal Advisory Council Meeting na ginanap sa Consolacion, Cebu noong ika-15 ng Hulyo 2025.
Dumalo sa nasabing meeting ang mga kapulisan mula sa Consolacion Municipal Police Station sa pamumuno ni PLtCol Eunil B. Avergonzado, Acting Chief of Police.
Ibinahagi ng ating mga kapulisan ang pinaigting na kampanya laban sa kriminalidad, ang pagpapatuloy ng drug-clearing operations sa mga pangunahing barangay, at ang maayos na deployment ng mga pulis upang masigurong ligtas ang publiko sa lahat ng oras.
Sa kabuuan, ito ay nagpapakita ng hangarin ng PNP na isulong ang kooperasyon, integridad, at malasakit sa bayan sa ilalim ng adhikain ng Bagong Pilipinas. Sa isang ligtas at mapayapang pamayanan, tunay na maisasabuhay ang panawagang: “Sa Bagong Pilipinas, ang Gusto ng Pulis, Ligtas Ka!”