RA 10627 AT RA 9165, tinalakay

0
517395414_1165523275298019_4880548222400483296_n

Tinalakay sa isang lektura sa Mahayag School of Arts and Trade sa Mahayag, Zamboanga del Sur ang mga batas na sumasaklaw sa mga estudyante nito lamang ika-14 ng Hulyo 2025.

Pinangunahan ng mga tauhan ng Mahayag Municipal Station sa pamumuno ni Police Major Junar C Yap, Acting Chief of Police, katuwang ang mga guro ng nasabing paaralan.

Mahigit 2,000 na mag-aaral ang nabahagian ng kaalaman patungkol sa Republic Act No. 10627 na mas kilala bilang Anti-Bullying Act of 2013 at Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Ang aktibidad na ito ay isinagawa bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-30 Anibersaryo ng Police Community Relations Month ngayong 2025 na may temang “Sa Bagong Pilipinas, Ang Gusto ng Pulis, Ligtas Ka.”

Layunin ng nasabing aktibidad na palakasin ang ugnayan ng PNP at ng mga kabataan bilang bahagi ng kampanya ng pulisya sa pagbibigay ng ligtas, maayos, at disiplinadong pamayanan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *