1st Semester Barangay Assembly 2025, isinagawa sa Maguindanao del Sur

Matagumpay na isinagawa ang 1st Semester Barangay Assembly 2025, sa Barangay, Limpongo, Datu Hoffer Ampatuan, Maguindanao del Sur nito lamang ika-19 ng Hulyo 2025.
Pinangunahan ng mga opisyales ng naturang lugar katuwang ang mga residente at ang mga tauhan ng Datu Hoffer Ampatuan Municipal Police Station.
Ang naturang aktibidad ay nagsilbing plataporma upang pag-usapan ang mga mahahalagang isyu at programang pangkaunlaran ng barangay, at nagbigay daan sa mas bukas na talakayan sa pagitan ng mga opisyal ng barangay, mamamayan, at kapulisan.
Layunin ng aktibidad na mas mapalapit sa komunidad at higit pang mapaigting ang kampanya sa kapayapaan, kaayusan, at pag-unlad.
Mahalaga rin ito upang pagtibayin ang pagtutulungan ng mga mamamayan at ng kapulisan tungo sa isang ligtas at maunlad na pamayanan.

