BADAC at BPOC Meeting, idinaos sa Cebu

Dumalo ang mga tauhan ng Dalaguete Municipal Police Station sa pamumuno ni PMAJ ALEJANDRO P. BATOBALONOS, Hepe ng Pulisya, sa ginanap na pinagsamang buwanang pagpupulong ng Barangay Anti-Drug Abuse Council (BADAC) at Barangay Peace and Order Council (BPOC) sa Barangay Malones, Dalaguete, Cebu, noong ika-18 ng Hulyo 2025.
Kabilang sa mga napag-usapan sa pagpupulong ay ang paghahanda para sa Barangay Drug Clearing program na layuning linisin ang mga pamayanan mula sa impluwensiya ng ilegal na droga.
Tinalakay din ang kampanya laban sa terorismo, kung saan pinalawak ang kaalaman ng mga opisyal ukol sa mga banta sa seguridad at kung paano ito maiiwasan o matutugunan.
Bukod dito, ibinahagi rin ang mga mahahalagang payo sa krimen prevention at mga panuntunan para sa kaligtasan ng mamamayan.
Tinalakay din sa pagpupulong ang iba’t ibang isyu at alalahanin ng barangay council na may kinalaman sa kapayapaan, kaayusan, at seguridad ng mga residente.
Ang aktibidad na ito ay bahagi ng patuloy na adbokasiya ng Philippine National Police na mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa bawat barangay.
Sa pamamagitan ng pagtutulungan ng PNP, mga opisyal ng barangay, at mamamayan, mas pinatitibay ang kampanya laban sa krimen, droga, at terorismo para sa isang mas ligtas at maunlad na Bagong Pilipinas.