“Operational 911 Quick Response” Program tinalakay sa mga drayber sa Davao del Norte

Bilang bahagi ng kampanya ng PNP para sa mas mabilis at epektibong serbisyo sa publiko, nagsagawa ng dayalogo ang mga tauhan ng San Isidro Municipal Police Station nito lamang Hulyo 19, 2025 kasama ang mga lokal na tsuper upang ipaliwanag ang programa ng Chief PNP na Operational 911 Quick Response.
Sa naturang aktibidad, binigyang-diin ng mga kapulisan ang mabilisang aksyon ng PNP sa oras ng kagipitan sa pamamagitan ng pambansang hotline na 911.
Layunin ng programang ito na palakasin ang tiwala ng publiko sa kakayahan ng pulisya na agarang tumugon sa mga insidente ng krimen, aksidente, o anumang uri ng emergency.
Hinikayat din ng mga awtoridad ang mga driver na maging mapagmatyag, responsable sa daan, at agad na iulat ang anumang kahina-hinalang kilos o insidente upang mapanatili ang kaayusan at kaligtasan ng bawat isa sa komunidad.
Ang ganitong uri ng pakikipag-ugnayan ay bahagi ng mas pinalakas na community engagement ng PNP, na layong paglapitin ang hanay ng pulisya at mamamayan sa iisang adhikain—ang isang ligtas at mapayapang bayan.