SK ng Barangay Saguin, katuwang ng PNP sa Kampanya Kontra ilegal na droga

Katuwang ng Sangguniang Kabataan ng Barangay Saguin ang PNP sa pakikiisa sa adhikain ng pamahalaan laban sa ilegal na droga sa isinagawang Anti-Illegal Drugs Campaign Lecture sa covered court ng Barangay Saguin, City of San Fernando, Pampanga nito lamang Linggo, ika-20 ng Hulyo 2025.

Sa pangunguna ni Hon. Arlyn M. David, SK Chairperson ng Barangay Saguin, katuwang ang mga tauhan ng San Fernando City Police Station sa ilalim ng pamumuno ni Police Lieutenant Colonel Aris B Gonzales, Officer-In-Charge.

Matagumpay na naidaos ang talakayan na naglalayong bigyang-kaalaman ang mga kabataan ukol sa masamang epekto ng paggamit ng ipinagbabawal na gamot.

Layunin ng programa na bigyang-kaalaman ang kabataan sa masasamang epekto ng ilegal na droga at hikayatin gumawa ng matatalinong desisyon upang makatulong sa pagpapanatili ng isang ligtas at malusog na pamayanan.

Binigyang-diin rin ang kahalagahan ng bukas na komunikasyon sa pagitan ng kapulisan at ng kabataang lider upang mapalakas ang ugnayan at pagtutulungan sa paglaban sa droga.

Ang matagumpay na aktibidad ay patunay na ang kabataan ng Barangay Saguin ay hindi lamang tagamasid kundi aktibong katuwang sa pagsusulong ng kampanya tungo sa isang drug-free na komunidad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *