BPATs Baggao, nakiisa sa Barangay Peacekeeping Seminar ng PNO Baggao
Bilang bahagi ng selebrasyon ng ika-30 Police Community Relations (PCR) Month na may temang “Sa Bagong Pilipinas: Ang Gusto ng Pulis, Ligtas Ka!”, aktibong lumahok ang mga myembro ng Barangay Peacekeeping Action Team Baggao sa isinagawang Barangay Peacekeeping Seminar sa Baggao, Cagayan kahapon, ika-23 ng Hulyo 2025.
Pinangunahan ng mga piling personnel mula sa Baggao Police Station, sa pamumuno ni Police Lieutenant Colonel Noriel U Lacangan, Officer-in-Charge,
Katuwang sa pagsasanay at pagbibigay ng lektura ang mga tauhan mula sa 204th Regional Mobile Force Battalion (RMFB) at Explosive Ordnance Disposal (EOD) Unit.
Pinangunahan ni PLtCol Lacangan ang pagtuturo ng mahahalagang paksa gaya ng community policing, crime prevention, bomb awareness at bomb identification, tamang hakbang sa search and rescue operations, pagresponde sa mga insidente, at ang kahalagahan ng kooperasyon sa pagitan ng kapulisan at mamamayan.

Layunin ng aktibidad na paigtingin ang ugnayan ng kapulisan at komunidad sa pamamagitan ng pagbibigay-kaalaman sa mga BPATs ukol sa kanilang mahalagang tungkulin sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa kani-kanilang barangay.
SOURCE : Baggao Police Station