Enhanced Police Community Engagement, isinagawa ng Bingawan MPS sa Barangay Malitbog Ilaya
Isang matagumpay na Enhanced Police Community Engagement ang isinagawa sa Barangay Malitbog Ilaya sa Bingawan, Iloilo nito lamang ika-23 ng Hulyo 2025 sa pangunguna ng Bingawan Municipal Police Station (MPS) sa pakikipagtulungan ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), mga Opisyal ng Barangay, at mga kasapi ng Sangguniang Kabataan (SK) Officers.
Layunin ng aktibidad na ito ang higit pang mapalalim ang ugnayan sa pagitan ng kapulisan at mga sektor ng lipunan, lalo na ang kabataan at mga disaster response units, upang makabuo ng isang handa, ligtas, at matatag na komunidad.
Sa pamamagitan ng pagtutulungan ng bawat ahensya at sektor, muling naipamalas ang tunay na diwa ng bayanihan.
Sa panig ng kapulisan, ang Bingawan MPS ay nagsagawa ng mga talakayan ukol sa mga isyu ng kaligtasan, anti-kriminalidad, at community vigilance.

Katuwang nila ang MDRRMO, na nagbahagi naman ng mahahalagang kaalaman tungkol sa disaster preparedness, emergency response, at mga hakbang sa pagharap sa natural na kalamidad, na naging kapaki-pakinabang para sa mga residente ng barangay.
Bukod dito, tampok sa aktibidad ang mahalagang papel ng Sangguniang Kabataan Officers, na nagsilbing aktibong katuwang sa pagpapalaganap ng impormasyon at paghikayat sa mga kabataan upang maging bahagi ng mga gawaing pangkomunidad.
Ang kanilang presensya ay simbolo ng makabagong kabataang may malasakit at responsibilidad para sa bayan. Ang kabataang lider ay hindi lamang tagasunod, kundi katuwang sa pagpapaunlad ng lipunan.
Sa kabuuan, ang pagtutulungan ng PNP, MDRRMO, Barangay Officials, at SK ay patunay ng isang matibay at makabuluhang kooperasyon, na kapag ang bawat sektor ay nagkakaisa, mas tumitibay ang kakayahan ng pamayanan na tumugon sa anumang hamon at isulong ang isang ligtas, maunlad, at mapayapang bayan.
Source: Bingawan Mps FB Page