BPAT’s Training, idinaos sa Barangay San Antonio, Tabaco City
Isinagawa ang isang Skills Enhancement Training para sa mga miyembro ng Barangay Peacekeeping Action Teams (BPATs) ng Barangay San Antonio, Tabaco City noong Hulyo 25, 2025.
Pinangunahan ito ng mga personnel mula sa Tabaco City Police Station kasama ang mga tauhan mula sa Regional Police Community Affairs and Development Unit 5 (RPCADU5) sa pamumuno ni PSSg Mercolito P. Lovendino Jr., Public Information PNCO, katuwang ang ilang opisyal ng Barangay sa pamumuno ni Punong Barangay Benjamin Casin, at ng mga opisyales at mga force multipliers.

Ang Tabaco PNP sa ilalim ng pangangasiwa ni PLTCOL EDMUNDO A CERILLO JR, hepe, kasama si Pastor Billy Bisda, Faith-Based / Community Adviser, ay nagtalakay ng mga mahahalagang usapin kabilang na ang Republic Act 9262 (Anti-Violence Against Women and Their Children Act), Katarungang Pambarangay, at iba pang kay kaugnayan na batas at alituntunin.
Bukod sa mga talakayan, isinagawa rin ang aktwal na pagsasanay sa tamang paggamit ng baton, wastong proseso ng pag-aresto, at kung paano kumilos bilang first responder sa panahon ng mga insidente o emergency sa kanilang nasasakupan.
Layunin ng aktibidad na ito na palakasin ang kaalaman at kasanayan ng mga miyembro ng force multipliers upang mas maging epektibo sila sa pagtupad ng kanilang tungkulin sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa komunidad.
Source: Tabaco City Police Station