Mangrove Tree Planting Activity, isinagawa sa Sultan Kudarat
Matagumpay na isinagawa ang Mangrove Tree Planting Activity ng mga tauhan ng Coast Guard Station sa Lebak, Katunggan Coastal Eco Park, Sultan Kudarat nito lamang Hulyo 26, 2025.
Ang naturang aktibidad ay pinangunahan ng Coast Guard Sub-Station Lebak, Sultan Kudarat Maritime Police Sttaion katuwang ang MENRO Lebak.
Tinatayang nasa 50 mangrove propagules ang natanim sa nasabing aktibidad.
Layunin ng aktibidad na ito na magbigay ng natural na depensa sa baybayin laban sa coastal erosion, storm surge at baha, kasabay ng carbon sequestration at paglikha ng kritikal na nursery habitat para sa marine species tungo sa mas matatag na lokal na kabuhayan at ecosystem resilience.

