United Patriots Finest Eagles Club, nagsagawa ng Charity Program sa Ilocos Sur katuwang ang Salcedo PNP

0
viber_image_2025-07-27_16-11-09-552

Isang makabuluhang pagtutulungan ang isinagawa kamakailan ng Salcedo Municipal Police Station at ng United Patriots Finest Eagles Club sa pamamagitan ng isang Charity Program na ginanap sa Victory Elementary School, Salcedo, Ilocos Sur nitong ika-26 ng Hulyo, 2025.

Pinangunahan ng United Patriots Finest Eagles Club, sa pamumuno ni Ginoong Richard R. Agustin, ang pamamahagi ng mga School Supplies, tsinelas, at pagsasagawa ng isang Feeding Program para sa mga mag-aaral ng nasabing paaralan. Isa sa mga aktibong katuwang sa aktibidad si Ginang Mary Ann Farol, miyembro ng club at kasalukuyang bahagi rin ng Advocacy Support Lingkod Bayan ng Salcedo MPS.

Bilang suporta sa adhikain ng Club, nagbigay ang mga tauhan ng Salcedo MPS ng Police Presence at nagsagawa ng Area Security upang matiyak ang maayos, ligtas, at payapang daloy ng programa. Ipinakita ng aktibidad na ito ang matibay na ugnayan at kooperasyon ng kapulisan at pribadong sektor sa layuning makatulong sa komunidad, lalo na sa mga kabataang mag-aaral.

Ang nasabing programa ay hindi lamang nagbigay ng pisikal na tulong sa mga bata, kundi nagsilbi ring inspirasyon upang iparamdam sa kanila na may mga taong handang tumulong at magmalasakit. Ang pagkakaisa ng kapulisan at ng United Patriots Finest Eagles Club ay patunay na sa pamamagitan ng sama-samang pagkilos, maaaring maisulong ang kapakanan ng mamamayan, lalo na ng mga kabataan.

Ang ganitong mga inisyatibo ay mahalagang hakbang sa pagpapatibay ng ugnayan ng kapulisan at komunidad, na siyang pundasyon ng mapayapa at progresibong lipunan.

Source: Salcedo Municipal Police Station

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *