ASEZ WAO at LGU-Bayambang, nagkaisa para sa kalikasan at kalinisan
Nagtulungan ang internasyonal na volunteer group na ASEZ WAO at ang LGU-Bayambang para sa isang programang pangkalinisan at pangkapaligiran na isinagawa nito lamang ika-28 ng Hulyo 2025.
Ang ASEZ WAO, binubuo ng mga kabataang manggagawa mula sa World Mission Society Church of God, ay nagpakita ng inisyatiba upang magsagawa ng mga proyektong gaya ng clean-up drive at signature campaign para sa kanilang global advocacy na “Plastic Free Challenge 2040.”
Buong suporta namang ibinigay ng lokal na pamahalaan sa layunin ng grupo. Ayon sa LGU, malaking tulong ang ganitong kolaborasyon sa pagpapataas ng kamalayang pangkalikasan ng mamamayan.
Inaasahang magpapatuloy ang ugnayan ng ASEZ WAO at LGU-Bayambang sa mga susunod pang proyektong makakatulong sa kalinisan at kaunlaran ng komunidad.
Source: Balon Bayambang