BPAT ng Barangay Divisoria, katuwang ng PNP sa pagpapanatili ng kaayusan at kaligtasan ng Enrile, Cagayan

0
viber_image_2025-07-29_17-46-05-253

Muling pinatunayan ng Barangay Peacekeeping Action Team (BPAT) ng Barangay Divisoria, Enrile, Cagayan ang kanilang kahalagahan bilang katuwang ng kapulisan sa pagpapanatili ng kaayusan at kaligtasan ng komunidad sa isinagawang road clearing operation, police visibility, at foot patrol noong ika- 29 ng Hulyo 2025.

Ang aktibidad ay pinangunahan ng mga tauhan ng Enrile Police Station, sa pangunguna ni PCpl Charissa Tamayao MCAD PNCO, bilang bahagi ng patuloy na kampanya kontra kriminalidad at pagsiguro sa maayos na pamayanan

Ang aktibong pakikibahagi ng BPAT na nagsilbing katuwang sa pagbabantay sa mga lansangan, pagtutok sa road obstructions, at ang presensiya nila ay malaking tulong sa mabilis na pagkilos at pagbibigay impormasyon sa mga lugar na kailangang tutukan.

Ang kooperasyon ng BPAT ay patunay ng epektibong ugnayan ng pulisya at barangay sa ilalim ng Police Community Relations Program.

Sa Bagong Pilipinas, ang ganitong mga hakbang ay patunay na sa tulong ng BPAT at ng mamamayan, mas ligtas, disiplinado, at maayos ang mga pamayanan.

Source:Enrile MPS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *