Relief Operation sa mga apektado ng nagdaang pagbaha, isinagawa ng Kasurog Cops sa Albay

Bilang bahagi ng patuloy na serbisyo sa bayan, nagsagawa ng relief operation ang mga kasapi ng Albay Kasurog Cops nitong Hulyo 27, 2025 para matulungan ang mga pamilyang naapektuhan ng malalim na baha dulot ng Habagat at Bagyong Crising, Dante at Emong sa Barangay Sta Cruz, sa bayan ng Libon, Albay.

Pinangunahan ni PCOL JULIUS C AÑONUEVO, Provincial Director, Albay PPO, PCADU at ng Libon Municipal Police Station, sa direktiba ni PBGEN NESTOR C BABAGAY JR, Regional Director ng Pollice Regional Office 5 ang pamamahagi ng mga food packs, sa 70 pamilya na pansamantalang lumikas mula sa kanilang tahanan sa kasagsagan ng pagbaha.

Ayon kay PCOL AÑONUEVO, “Hindi lang seguridad ang tungkulin ng pulis—kundi ang magsilbi sa taumbayan, lalo na sa oras ng pangangailangan. Ang mga kapwa natin Albayano ay hindi namin pababayaan.”

Bukod sa pamamahagi ng tulong, nagkaroon din ng maikling palatuntunan upang mapagaan ang sitwasyon sa pamamagitan ng pagkanta ng mga Brgy Official at residente ng nasabing barangay.

Nagpahayag naman ng pasasalamat ang mga benepisyaryo sa ipinakitang malasakit at agarang pagtugon ng Albay Kasurog Cops.

Ang Albay PPO ay patuloy na nananawagan ng kooperasyon mula sa publiko, at pinaiigting ang kanilang kampanya sa pagbibigay-serbisyo higit pa sa kanilang tungkulin—isang pulisyang tunay na “Kasurog” ng mamamayan.

Source: Albay Police Provincial Office

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *