Feeding Program, isinagawa
Isinagawa ang feeding program para sa mga mag-aaral ng Jose Timbol Sr. Elementary School sa Davao Occidental kaugnay sa pagdiriwang ng ika-30 Police Community Relations (PCR) Month nito lamang Hulyo 28, 2025.
Ito ay pinangunahan ng mga tauhan ng Sta. Maria Municipal Police Station sa pangunguna ni Police Captain Jan Reywan Abadia, Officer-In-Charge, katuwang ang mga Force Multipliers mula sa CIMG-GMFIl.
Ang feeding program ay binibigyang tuon ang problema ng mga estudyante na mga underweight.
Layunin ng programang ito na bigyang pansin ang suliranin ng malnutrisyon sa kabataan at itaguyod ang mas malapit na ugnayan sa pagitan ng kapulisan at komunidad.
Sa pamamagitan ng pamimigay ng masustansyang pagkain, hindi lamang pinakain ang mga bata—kundi pinatibay din ang pundasyon ng pagtutulungan, malasakit, at tunay na serbisyong may puso.
Ang naturang gawain ay malinaw na sumasalamin sa adhikain ng Philippine National Police na hindi lamang magpanatili ng katahimikan, kundi maging aktibong tagapagtaguyod ng kalusugan, edukasyon, at kapakanan ng mga mamamayan, lalo na ang kabataan.


