Kaligtasan ng Kabataan, tinalakay sa PTA Assembly ng Pantaron Elementary School

0
521538736_974633878044101_5726264858675211456_n

Tinalakay ang kaligtasan at kapakanan ng mga mag-aaral sa isinagawang kauna-unahang Parent-Teacher Association (PTA) Assembly ng Pantaron Elementary School sa Santo Tomas, Davao del Norte noong Hulyo 26, 2025.

Aktibong nakiisa sa aktibidad ang mga tauhan ng R-PSB New Katipunan Cluster sa pamumuno ni PCMS Hanival S Tolentino, Team Leader, sa ilalim ng direktang superbisyon ni Police Lieutenant Colonel Jun A Bautista, Force Commander ng 2nd Davao del Norte Provincial Mobile Force Company (DNPMFC).

Sa naturang pagpupulong, binigyang-diin ng PNP ang mga isyung may kinalaman sa kaligtasan ng mga mag-aaral, kabilang ang mga krimen na maaaring mangyari sa loob at labas ng paaralan, at ang mga hakbang upang ito’y maiwasan.

Binanggit din ang kahalagahan ng batas na nagpoprotekta sa mga kababaihan at kabataan gaya ng Republic Act 7610 at RA 9262.

Ang pagtutok sa kaligtasan ng kabataan ay hindi lamang responsibilidad ng paaralan o ng pulisya, kundi isang sama-samang tungkulin ng buong komunidad.

Sa pamamagitan ng ganitong mga talakayan, nabibigyan ng sapat na kaalaman at kakayahan ang mga magulang upang gabayan at protektahan ang kanilang mga anak.

Sa pagtutulungan ng pamahalaan, paaralan, at pamilya, maipagkakaloob natin sa kabataan ang isang ligtas at maayos na kapaligiran na pundasyon ng kanilang tagumpay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *