Pulis sa Barangay at BPATS, nagbigay ng police assistance sa balik-eskwela

0
viber_image_2025-07-31_15-39-00-106

Sa layuning masiguro ang kaligtasan at kaayusan sa pagbubukas ng klase, aktibong nakiisa ang mga kasapi ng Barangay Peacekeeping Action Team (BPATs) at mga pulis sa barangay sa pagsasagawa ng police assistance at traffic management operation katuwang ang Tuguegarao Component City Police Station sa Barangay Annafunan West ngayong ika-31 ng Hulyo 2025.

Ang nasabing aktibidad ay isinagawa sa paligid ng Annafunan Integrated School bilang bahagi ng programang “Balik Eskwela”, na layuning bigyan ng maayos at ligtas na kapaligiran ang mga mag-aaral, guro, at school personnel sa kanilang pagbabalik sa paaralan ngayong pasukan.

Bukod sa pagbibigay ng police visibility, isinagawa rin ang traffic control upang maiwasan ang anumang abala o aksidente sa mga kalsadang malapit sa paaralan. Ang pagkilos na ito ay bahagi ng mas malawak na kampanya ng pambansang pamahalaan para sa isang ligtas, payapa, at makabuluhang pagbubukas ng klase.

Ang aktibong partisipasyon ng PNP at BPATs ay patunay ng kanilang matibay na suporta sa edukasyon at kapakanan ng mga mamamayan, lalo na ng kabataang mag-aaral.

Source: TCPS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *