Mondragon LGU, nagsagawa ng Mangrove Tree Planting at Coastal Clean-up Drive Activity
Matagumpay na isinagawa ng Local Government Unit ng Mondragon kasama ang iba’t ibang ahensya ang Mangrove Tree Planting at Coastal Clean-up Drive Activity sa baybayin ng Mondragon, Northern Samar nito lamang Hulyo 31, 2025.
Ang aktibidad ay pinangunahan ng mga kawani ng Local Government Unit kasama ang Municipal Disaster Risk Reduction Management Office (MDRRMO), 74th Infantry Battalion, Bureau of Fire Protection (BFP), Mondragon Municipal Police Station (MPS), Municipal Environment and Natural Resources (MENRO) at mga tauhan ng 803rd Maneuver Company, RMFB8.
Ito ay kaugnay sa pagdiriwang ng National Disaster Resilience Month (NDRM) na may temang “KUMIKILOS para sa Kahandaan, Kaligtasan, at Katatagan,”

Ang naturang aktibidad ay hindi lamang nakakatulong sa pagpapanumbalik at pagprotekta sa kalikasan ngunit pinagtitibay din nito ang pagiging responsable ng komunidad sa pangangalaga sa kapaligiran bilang pundasyon ng mas ligtas at mas matatag na mga komunidad.