Sangguniang Kabataan, nakilahok sa Symposium ukol sa Kampanya Kontra Droga at Terorismo

0
522817521_718719281146638_1742745297241871536_n

Matagumpay na nakiisa ang miyembro ng Sangguniang Kabataan sa isang makabuluhang lecture/symposium na may temang Anti-Illegal Drugs Awareness and Prevention at Anti-Terrorism na isinagawa sa Amagna Multipurpose Hall, San Felipe, Zambales nito lamang ika-27 ng Hulyo, 2025.

Ang aktibidad ay inisyatibo ng mga tauhan ng San Felipe Municipal Police Station sa ilalim ng pamumuno ni Police Major Don G. Roldan, Officer-In-Charge.

Nakilahok sa aktibidad ang mga opisyal ng Sangguniang Kabataan (SK).

Ibinahagi ang mga panganib ng ilegal na droga at banta ng terorismo sa lipunan.

Tinalakay rin ang mahalagang papel ng kabataan sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa komunidad sa pamamagitan ng aktibong pakikilahok sa mga adbokasiyang panlipunan.

Ang ganitong mga inisyatibo ay patunay ng matibay na ugnayan sa pagitan ng PNP at ng sektor ng kabataan sa pagsusulong ng ligtas, maayos, at progresibong pamayanan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *