Mga Barangay Tanod at Force Multipliers, Aktibong nakilahok sa Skills Enhancement Training kaugnay sa Pagdiriwang ng 30th PCR Month
Bilang bahagi ng selebrasyon ng ika-30th Police Community Relations (PCR) Month, aktibong nakilahok ang Barangay Tanod at Force Multipliers sa isinagawang Skills Enhancement Training ng Bacoor Component City Police Station nito lamang Hulyo 30, 2025, sa Covered Court ng Brgy. Molino 3, Bacoor City.

Pinangunahan ang aktibidad ni PLtCol Alexie A. Desamito, Officer-in-Charge ng Bacoor CCPS, katuwang ang pamunuan ng Barangay Molino 3 sa pangunguna ni Hon. Jun Advincula at mga miyembro ng Sangguniang Barangay.
Layunin ng pagsasanay na palakasin ang kakayahan ng mga tanod at Force Multipliers sa aspeto ng pagpapanatili ng kaayusan at seguridad sa komunidad. Ang aktibidad ay bahagi rin ng suporta ng PNP sa International Day Against Drug Abuse and Illicit Trafficking (IDADAIT) 2025.

Sa naturang programa, nagbigay si PCMS Esperidion C. Matibag Jr, CAD PNCO, ng oryentasyon ukol sa mga tungkulin at responsibilidad ng Barangay Anti-Drug Abuse Council (BADAC). Samantala, tinalakay naman ni Pat Donny N. Rata, PIO PNCO, ang mahahalagang paksa kaugnay ng community policing, tamang pamamaraan sa barangay patrol, mga batayang estratehiya sa crime prevention, at ang mahalagang papel ng mga force multipliers sa pagpapanatili ng katahimikan at kaayusan sa pamayanan.
Ang nasabing training ay bahagi ng patuloy na pagsusumikap ng PNP na paigtingin ang kapasidad at kasanayan ng mga tanod at community safety volunteers upang mas epektibong makatugon sa mga programa ng kapulisan laban sa kriminalidad at ilegal na droga.