Community Dialogue on PNP Anti-Criminality Campaign, isinagawa sa Indang, Cavite
Bilang bahagi ng pinaigting na kampanya ng PNP laban sa kriminalidad, isinagawa ng Indang Municipal Police Station sa pamumuno ni PMaj Rommel C. Dimaala, Chief of Police, ang Community Dialogue sa Transport Terminal ng Brgy. Poblacion 3, Indang, Cavite nito lamang ika-10 ng Agosto 2025.
Layunin ng naturang aktibidad na magbigay-kaalaman at paalala sa publiko hinggil sa mga hakbangin ng pulisya upang maiwasan ang iba’t ibang uri ng krimen, at hikayatin ang aktibong pakikiisa ng mga mamamayan sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa komunidad.
Ang ganitong mga inisyatiba ang naglalapit sa mamamayan at kapulisan upang masiguro ang ligtas at maayos na pamayanan.