Lecture at Dialogue Session, isinagawa sa Sariaya, Quezon

0
viber_image_2025-08-13_15-14-31-481

Masiglang isinagawa ang Lecture at Dialogue Session ukol sa Drug Awareness and Prevention, Safety Tips, 8 Focus Crimes, at Republic Act 9262 sa Barangay Bignay 2, Sariaya, Quezon nitong Miyerkules, ika-13 ng Agosto 2025.

Ang nasabing aktibidad ay pinangunahan ng mga Barangay Officials na pinamumunuan ni Hon. Edgardo De Chavez katuwang ang mga tauhan ng Sariaya Municipal Police Station sa ilalim ng direktang superbisyon ni PLtCol Jezreel L. Calderon, Officer-in-Charge at si Ms. Marita Resurreccion, Assistant School Principal II ng Bignay National High School.

Layon ng programa na palalimin ang kaalaman ng mga mamamayan sa mga isyung panlipunan gaya ng ilegal na droga, karahasan sa tahanan, at iba pang krimen na pangunahing tinututukan ng pamahalaan. Bukod dito, tinalakay rin ang mga safety tips upang maiwasan ang krimen at mapanatili ang kapayapaan sa komunidad.

Ang aktibong partisipasyon ng mga kalahok ay patunay ng kanilang suporta sa mga programang naglalayong magtaguyod ng isang ligtas at maayos na pamayanan tungo sa isang Bagong Pilipinas.

Source: Sariaya Qppo Pcad

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *