Pulong-Pulong at Barangay Visitation, isinagawa sa Danao City, Cebu
Nagsagawa ng Pulong-Pulong at Barangay Visitation sa Barangay Licos, Danao City, Cebu ang mga tauhan ng Danao City Police Station sa ilalim ng pamumuno ni PLTCOL Henrix P. Bancoletta, Hepe ng Pulisya, kasama ang CADAO staff at mga tauhan mula sa BJMP.
Dumalo sa natuturang pagtitipon ang mga opisyal ng barangay na pinamumunuan ni Punong Barangay Hon. Norme C. Beduya, kasama ang mga Barangay Tanod, mga miyembro ng Lupon ng Tagapamayapa, at mga Barangay Health Workers, na ginanap sa Barangay Licos, Danao City, Cebu, noong ika-12 ng Agosto 2025.
Sa nasabing aktibidad, tinalakay sa mga dumalo ang mahahalagang paksa tulad ng kalagayan ng kapayapaan at kaayusan, refresher course sa paghahawak ng referral cases, RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, Anti-Rape Law, RA 9262 o Anti-Violence Against Women and Their Children Act, at ang programa ng ELCAC laban sa terorismo at insurhensya.
Layunin ng mga paksang ito na mapalawak ang kaalaman ng komunidad sa mga isyung pangkapayapaan at pangkaayusan.

Bilang karagdagang kaalaman, sumailalim din ang mga Barangay Tanod sa pagsasanay hinggil sa pangunahing teknik sa pagposas (handcuffing) at tamang pamamaraan ng pag-aresto. Pinangunahan ito ng mga tauhan ng pulisya upang matiyak na ang mga tanod ay may sapat na kakayahan sa pagtugon sa mga insidente sa kanilang lugar.
Ang layunin ng aktibidad na ito ay palakasin ang ugnayan sa pagitan ng PNP at ng mamamayan, itaas ang antas ng kaalaman sa mga batas at responsibilidad sa komunidad, at tiyakin na ang bawat barangay ay may kakayahang tumugon sa anumang banta sa kapayapaan at seguridad