Mag-aaral ng Carillo Elementary School, nakilahok sa Anti-illegal Drugs Awareness Lecture
Aktibong nakilahok ang mga mag-aaral ng Carillo Elementary School sa isinagawang Anti-Illegal Drugs ng mga tauhan ng Hagonoy Municipal Police Station sa Brgy. Carillo, Hagonoy, Bulacan nito lamang Martes, ika-12 ng Agosto 2025.
Matagumpay ang naging aktibidad sa pangunguna ni PCMS Randy P Reyes, C MCAD, PNCO ilalim ng pamumuno ni PLtCol Aldrib O Thompson, Chief of Police, Hagonoy MPS.
Nagbahagi ng kaalaman ang kapulisan sa mga aktibong mag-aaral tungkol sa iba’t ibang klase ng droga, mga masamang epekto nito sa kalusugan, at ang mga parusang kahaharapin ng sinumang mahuhuling gumagamit o nagbebenta ng ipinagbabawal na gamot.
Layunin ng programang ito na hikayatin ang mga kabataan na umiwas sa anumang uri ng droga upang mapangalagaan ang kanilang kalusugan at kinabukasan.
Patuloy ang pakikipag-ugnayan ng Pambansang Pulisya sa mga paaralan upang magbigay ng impormasyon sa mga kabataan tungkol sa mga programa ng pamahalaan, kabilang ang pagpapalakas ng kampanya laban sa iligal na droga.

