Mga mag-aaral ng Bañacao ES, nakatanggap ng school supplies mula sa ADTEMPCO

0
528234270_734006899508930_5923999308478378069_n

Masayang nakatanggap ng shool supplies ang mga estudyante ng Bañacao Elementary School sa isinasagawang Community Outreach at Gift Giving sa Bañacao Elementary School nito lamang Agosto 11, 2025.

Ang aktibidad ay pinasimulan ng mga kawani ng Abra Diocesan Teachers and Employees Multi-Purpose Cooperative (ADTEMPCO) na pinangunahan nina Ginoong Benjamin B. Blaza Jr., Chief Operations Officer at Jay Raymond H. Bosque- Youth Coordinator.

Labis na tuwa ang naipinta sa mukha ng 189 na mag-aaral na nakatanggap ng school bag at assorted school supplies na kanilang magagamit sa pang-araw araw na pagpasok sa paaralan.

Taos-pusong nagpasalamat naman ang mga guro at estudyante ng Bañacao Elementary School sa pamumuno ni Dr. Cristine B. Gandeza, sa ADTEMPCO, sa kanilang suporta at para sa pagpili sa kanilang paaralan bilang benepisyaryo ng kanilang outreach program.

Bahagi rin ng aktibidad ang information drive kung saan ipinakilala ang ‘Aflatoun’, isang programa na tumutulong sa mga mag-aaral na mapalawak ang kaalaman at kahalaga ng pag-iipon ng pera.

Ang aktibidad ay naglalayong magbigay gabay sa mga kabataan hinggil sa pag-iipon at pagpapahala ng bawat sentimo, at upang lalong mapahusay ang kamalayan ng mga kabataan sa tamang paggasto ng kanilang badyet o kanilang kikitain sa hinaharap.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *