Ugnayan ng Pulis at Barangay (Project UPB), inilunsad sa Negros Island Region

0
viber_image_2025-08-15_17-08-30-612

Pinangunahan ni PMAJ JOHN REMO O. EVANGELIO, Acting Company Commander ng 4th Maneuver Company, RMFB NIR, sa ilalim ng pamumuno ni PLTCOL JAY F. MALONG, OIC ng RMFB NIR, ang pagsasagawa ng Ugnayan ng Pulis at Barangay (Project UPB) bilang bahagi ng programang “Ligtas Bayan Program” na ginanap sa Barangay Mabato, Ayungon, Negros Oriental, noong ika-11 ng Agosto 2025.

Kabilang sa isinagawa ay pulong-pulong kasama ang mga halal na opisyal upang talakayin ang mga isyu sa seguridad at kapayapaan. Kasabay nito ay isinagawa rin ang feeding activity para sa 80 mag-aaral sa kindergarten at 45 residente ng barangay na nakinabang din sa libreng gupit na handog ng naturang yunit.

Ang Project UPB ay naglalayong paigtingin ang pakikipagtulungan ng PNP at mga opisyal ng barangay sa pamamagitan ng magkatuwang na paglutas ng mga problema, pagpapatupad ng mga programa para sa kaligtasan ng komunidad, at pagbibigay ng pagsasanay upang mapalakas ang kakayahan at tiwala ng mga mamamayan sa kanilang sarili at sa kapulisan.

Sa ganitong paraan, napapangalagaan hindi lamang ang seguridad kundi pati ang kabuuang kapakanan ng bawat isa sa nasabing lokalidad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *