Kapehan sa Barangay Puting Baybay, isinagawa ng San Andres MPS
Masigasig na isinagawa ng kapulisan ng San Andres Municipal Police Station sa ilalim ng pamumuno ni PMAJ FRANCIS T. TABO I, Chief of Police, ang Kapehan sa Barangay sa Barangay Puting Baybay, San Andres, Catanduanes nito lamang ika-16 ng Agosto, 2025.
Pinangunahan ang aktibidad na ito ni PCPT MARLON M. DONQUILAB, Deputy Chief of Police, kasama si Hon. Jenor L. Sollegue, Municipal Councilor.
Layunin ng naturang programa na mapalapit ang kapulisan sa mamamayan sa pamamagitan ng maayos na talakayan ukol sa iba’t ibang isyu ng komunidad, pagtanggap ng hinaing, at pagbibigay ng kaukulang impormasyon hinggil sa mga programa at kampanya ng PNP.
Sa pamamagitan ng Kapehan sa Barangay, mas napapalalim ang ugnayan at pagtutulungan ng kapulisan at ng mga residente upang masiguro ang mapayapa at ligtas na pamayanan.
Source: San Andres MPS Catanduanes PPO