BPSO, nakiisa sa Information Drive sa Lapu-Lapu City, Cebu
Nagsagawa ng Information Drive ang mga tauhan ng nasabing Mobile Force sa ilalim ng pamumuno ni PLTCOL DANILO R. YEMA JR, Force Commander na ginanap sa Brgy. Pajo, Lapu-Lapu City , Cebu, noong ika-15 ng Agosto 2025.
Layunin ng aktibidad na magbigay ng kaalaman sa publiko hinggil sa Anti-Terrorism Awareness at hikayatin ang mga kalahok na huwag sumuporta sa mga organisasyong konektado sa Communist Terrorist Group (CTG) bilang bahagi ng programa ng NTF-ELCAC.
Kasama rin sa naturang gawain ang pagbibigay ng mahahalagang impormasyon ukol sa Anti-Illegal Drugs Awareness, Crime Prevention, Safety Tips, at paggamit ng 911 National Emergency Hotline. Ang mga tinalakay ay partikular na inihandog para sa mga Barangay Public Safety Officer (BPSO).
Sa pamamagitan ng ganitong mga aktibidad, patuloy na pinatutunayan ng kapulisan na sila ay katuwang ng komunidad sa pagsusulong ng kapayapaan at seguridad. Ipinapakita nito ang kanilang malasakit sa mamamayan at dedikasyon na maging sandigan sa pagbuo ng isang Bagong Pilipinas kung saan ang nais ng pulis ay ligtas ang bawat isa.