BPATS Training at KASIMBAYANAN Program, idinaos sa Barangay Cobo

0
viber_image_2025-08-19_14-40-22-679

Nagsagawa ang Tabaco City Police Station ng Barangay Peacekeeping Action Team (BPATS) Training at KASIMBAYANAN Program sa Barangay San Carlos, Tabaco City noong Agosto 15, 2025.

Ang naturang pagsasanay ay nilahukan ng mga Barangay Officials, Barangay Tanods at iba pang tauhan ng Barangay, na naglalayong pagandahin ang kanilang kakayahan sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa kanilang komunidad.

Sa pamamagitan ng inisyatiba ng KASIMBAYANAN (Pulis, Simbahan, at Pamayanan), hinangad din ng programa na palakasin ang pagtutulungan ng pulisya, institusyong panrelihiyon, at komunidad.

Kabilang sa mga paksang tinalakay sa aktibidad ay ang Republic Act 9262 – Anti-Violence Against Women and Their Children Act, Drug Awareness and Prevention, Crime Prevention Strategies, Barangay Justice System at Proper Arresting Protocols and Procedures.

Ang aktibidad na ito ay patuloy na pangako ng Tabaco City Police Station sa pamumuno ni PLTCOL EDMINDO A CERILLO JR, Chief of Police na isulong ang community empowerment, spiritual guidance, at proactive law enforcement partnerships sa antas ng barangay.

Source: Tabaco City Police Station

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *