Life-Saving Bloodletting Activity, isinakatuparan sa Roxas City
Matagumpay ang pagtutulungan sa pagitan ng ng Capiz Police Provincial Office (PPO) sa pangunguna ng Police Community Affairs and Development Unit (PCADU), sa ilalim ng pamumuno ni Police Colonel Albert D Tapulao, Provincial Director at ng mga tauhan ng Red Cross upang maisakatuparan ang isang Life-Saving Bloodletting Activity na may temang “Be a Hero, Donate Blood: Help Save Lives, Your Blood is Someone’s Lifeline” nito lamang ika-18 ng Agosto 2025, sa Health Centrum Inc., Banica, Roxas City.
Aktibong lumahok ang walumpu’t isang (81) tauhan ng Capiz PNP mula sa iba’t ibang Municipal Police Stations, Roxas City Police Station, 1st at 2nd Provincial Mobile Force Companies (PMFC), at ng mga Field Training Program (FTP) personnel.
Ang aktibidad ay naisakatuparan sa aktibong pakikipagtulungan ng Philippine National Red Cross, Capiz Chapter, na nagsilbing katuwang sa pagtitiyak ng ligtas at maayos na proseso ng pag-dodonate ng dugo.
Layunin ng programa na makatulong sa pagpapanatili ng sapat na suplay ng dugo at maging handa sa pagtugon sa pangangailangang medikal lalo na sa panahon ng emergency.
Bunga ng sama-samang pagkilos ng mga kalahok, nakalikom ang aktibidad ng kabuuang 17,500 cc ng dugo mula sa mga kawani ng Capiz PPO.
Ang matagumpay na inisyatibong ito ay hindi lamang nagbigay-diin sa kahalagahan ng boluntaryong pagbibigay ng dugo, kundi nagsilbi ring patunay ng matibay na kolaborasyon ng PNP at Red Cross sa pagliligtas ng buhay.
Sa pamamagitan ng kanilang pagkakaisa, ipinakita nila na ang bayanihan at malasakit ay tunay na susi sa pagbuo ng isang mas ligtas at mas malusog na komunidad.
Source: Capiz Police Provincial Office FB Page