Tree Planting Activity, matagumpay na isinagawa sa Tagaytay City

0
viber_image_2025-08-22_15-16-34-299

Bilang bahagi ng Community Mobilization Project, sama-samang nagsagawa ng Tree Planting Activity ang mga miyembro ng Army Reservist, TUPAD, KKDAT, at BPATs sa Purok 123, Brgy. Mendez Crossing East, Tagaytay City nito lamang Miyerkules, ika-20 ng Agosto 2025.

Katuwang sa aktibidad ang mga tauhan ng Tagaytay Component City Police Station, sa ilalim ng pamumuno ni PLtCol Jefferson P. Ison, Acting Chief of Police, kasama ang mga police trainees na kasalukuyang sumasailalim sa Field Training Program (FTP).

Nagbigay ng seguridad at suporta ang Tagaytay CCPS upang matiyak ang ligtas at maayos na daloy ng pagtatanim ng mga puno.

Binigyang-diin nila na ang pagtatanim ng puno ay simpleng hakbang ngunit may malaking ambag sa kinabukasan ng bayan. Ayon pa sa kanila, sa bawat punong naitatag, hindi lamang kalikasan ang pinoprotektahan kundi pati na rin ang buhay at kinabukasan ng mamamayan.

Ang pagtutulungan ng pamayanan at kapulisan ay patunay na sa pagkakaisa, naipapakita ang malasakit sa kalikasan at naipapamana ang isang mas luntian at mas maliwanag na kinabukasan para sa mga susunod na henerasyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *