Coastal Clean-up Drive, isinagawa sa Ozamiz City
Matagumpay na isinagawa ang isang coastal clean-up drive na pinangunahan ng Solid Waste and Environmental Management Office (SWEMO) sa pamumuno ni Engr. Thetis Teresa Borjes sa kahabaan ng Ozamiz City Bypass Road nito lamang Agosto 30, 2025.
Libo-libong kilo ng basura ang nakolekta mula sa dalampasigan, na nagsisilbing paalala sa lahat na ang pangangalaga sa kalikasan ay nagsisimula sa simpleng pagsunod sa tamang pagtatapon ng basura.
Dumalo rin sa nasabing aktibidad sina City Councilors Cecile Co, Saulo Salvador, at Atty. Daniel Lao, bilang pagpapakita ng suporta.
Binigyang-diin nila ang kahalagahan ng seryosong pagtutok sa tamang pagtatapon ng basura at ang pagpapatibay ng anti-littering ordinance ng lungsod.
Sa pamamagitan ng ganitong mga hakbang, layunin ng pamahalaang lungsod ng Ozamiz na mapalakas pa ang kamalayan ng bawat mamamayan tungkol sa kalinisan, disiplina, at responsableng pangangalaga sa kalikasan.

