“Kapihan sa Barangay”, patuloy na isinagawa ng San Andres PNP

0
viber_image_2025-09-01_13-47-17-368

Patuloy na isinasagawa ng San Andres Municipal Police Station sa ilalim ng pamumuno ni PMAJ FRANCIS T TABO I, Chief of Police, ang programang Kapihan sa Barangay nito lamang ika-30 ng Agosto, 2025, sa bayan ng San Andres.

Matagumpay na naisagawa ang aktibidad sa Barangay Bagong Sirang na dinaluhan ng mga opisyales ng barangay sa pangunguna ni PB Pedro O Manoguid, mga miyembro ng BPATS, at iba pang appointees.

Ang pagtitipon ay ginanap sa baybayin ng barangay kung saan nakadagdag sa kasiglahan ng talakayan at kapihan ang kaaya-ayang magandang tanawin.

Kasama rin sa aktibidad si Hon. Jenor L. Sollegue, Municipal Kagawad, na nakiisa sa masiglang diskusyon tungkol sa iba’t ibang isyung panlipunan at pangkapayapaan sa komunidad.

Layunin ng Kapihan sa Barangay na magbigay ng bukas na plataporma upang mailapit ang kapulisan sa mamamayan, talakayin at maresolba ang mga isyu at problemang kinahaharap ng komunidad.

Bukod pa rito, kabilang din sa mga layunin ang pagpapaigting ng ugnayan, tiwala at kooperasyon ng kapulisan at pamayanan, at hikayatin ang aktibong pakikilahok ng mga residente sa pagpapanatili ng katahimikan at kaayusan sa kanilang barangay upang maiwasan ang anumang kriminalidad.

Source: San Andres MPS Catanduanes PPO

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *