KKDAT members, nakilahok sa isinagawang lecture sa Ormoc City
Aktibong nilahukan ng mga miyembro ng Kabataan Kontra Droga at Terorismo ang isinagawang lecture na ginanap sa San Antonio, Ormoc City nito lamang Agosto 30, 2025.
Ang aktibidad ay inisyatiba ng Ormoc City Police Office na dinaluhan ng mga out-of-school youth, estudyante ng San Antonio Integrated School, SK officials at KKDAT members ng nasabing lugar.
Tinalakay sa aktibidad ang tungkol sa “Drug Abuse Prevention and Its Effects,” “Youth Empowerment vs. Terrorism and Radicalization,” at iba pang mga batas na may kaugnayan sa kabataan.
Ang inisyatiba ay naglalayong itaas ang kamalayan sa sektor ng kabataan tungkol sa mga panganib ng iligal na droga, ang mga banta na dulot ng terorismo at radikalisasyon, at ang kahalagahan ng pag-alam sa kanilang mga karapatan at responsibilidad bilang mga kabataang mamamayan.
Sa pamamagitan ng pagsisikap na ito, ang Ormoc City Police Office ay patuloy na nagpapalakas ng community partnership at nagsusulong ng isang mas ligtas, walang droga, at may kaalamang sektor ng kabataan sa lungsod.