Outreach Program para sa mga Katutubong Aeta, isinagawa sa Tarlac

Isinagawa ang isang Outreach Program ang mga miyembro ng Advocacy Support Group para sa mga katutubong Aeta na ginanap sa Maasin Community Elementary School, Sitio Poquiz, Barangay Maasin, San Clemente, Tarlac noong Agosto 29, 2025.
Pinangasiwaan ng San Clemente Municipal Police Station sa ilalim ng pamumuno ni Police Major Arnel A. Cera, Chief of Police, ang pagbibigay ng mobile escort at area security upang matiyak ang maayos at ligtas na daloy ng aktibidad.
Tinatayang 100 batang katutubo at 44 na pamilyang kabilang sa Abiling Aeta Tribes ang tumanggap ng mga school supplies, food packs, at laruan.
Ang programang ito ay pinangunahan ng ONSEMI Company sa pamumuno ni G. Adrian Macabulos, GOODNEIGHBORS Philippines sa pamumuno ni Gng. Celeste Apa, at SSMP Cooperatives sa pamumuno ni Gng. Joanna Serrano, katuwang ang lokal na pamahalaan na pinangungunahan ni Municipal Mayor Hon. Roseller M. Toledo.
Layunin ng nasabing inisyatiba na hindi lamang maghatid ng tulong-material kundi higit sa lahat, magbigay ng inspirasyon at pag-asa sa mga kabataan at pamilyang Aeta upang mas mapalakas ang kanilang tiwala sa komunidad at sa pamahalaan.

