“Sugod Barangay Nagkaka-1 Cagayan Para sa Kalusugan at Kaligtasan,” isinagawa sa Cagayan
Matagumpay na isinagawa ang “Sugod Barangay, Nagkaka-1 Cagayan Para sa Kalusugan at Kaligtasan” ng Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan, sa pamamagitan ng Provincial Health Office, sa Baggao, Cagayan noong ika-29 ng Agosto 2025.

Ang nasabing aktibidad ay pinangunahan ng Provincial Health Office kasama ang Baggao PNP, LGU-Baggao at mga opisyales ng nasabing Lugar.
Umabot sa mahigit 500 na residente sa bayan ng Baggao, Cagayan ang naserbisyuhan ng nasabing aktibidad.

Kabilang sa mga libreng serbisyong handog ng programa ang X-ray, general at specialty consultations (surgery at internal medicine), dental services, pagbabakuna, libreng gamot, at feeding program sa pamamagitan ng Truck ni Egay – Hot Meals on Wheels.
Layon ng aktibidad na mailapit sa mga barangay ang iba’t ibang libreng serbisyong medikal at mapalakas ang kamalayan ng mga mamamayan hinggil sa kahalagahan ng kalusugan.
Source: Cagayan Provincial Information Office