Tree Planting Activity, isinagawa sa Zamboanga City

Isinagawa ang Tree Planting Activity sa Talabaan, Zamboanga City nito lamang ika-30 ng Agosto 2025.

Pinangunahan ng Rotary Club of Zamboanga City West sa pakikiisa ng 2nd Zamboanga City Mobile Force Company ‘Seaborne,’ na pinamumunuan ni Police Lieutenant Colonel Richard J. Salanguit, Force Commander.

Umabot sa 3,850 na punla ng bakawan ang naitanim.

Ang Mangrove Tree Growing Activity ay pinamagatang Siembra Mangle 2025”.

Ang inisyatibang ito ay kaakibat ng adbokasiya ng PNP hinggil sa pangangalaga sa kapaligiran at pakikipag-ugnayan sa komunidad, na nagbibigay-diin sa ating sama-samang pangako tungo sa mas luntiang, mas ligtas, at mas matatag na kinabukasan para sa susunod na henerasyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *