Crime Prevention Information Drive, isinagawa

0
541661087_1273765487279351_6398246361020602412_n

Matagumpay na naisagawa ang isang Crime Prevention Information Drive sa mga estudyante ng Madrasatul Idztihad Al-Islamic sa Brgy. Balubuan, Sirawai, Zamboanga del Norte nito lamang ika-1 ng Setyembre ng 2025.

Pinangunahan ng 905th Manuever Company Regional Mobile Force Battalion 9 sa pamumuno ni Police Captain Mark Anthony C Rafols, Company Commander, katuwang ang mga guro sa nasabing paaralan.

Bilang bahagi ng inisyatiba, naghanda ng libreng ice cream ang mga kapulisan para sa mga estudyante.

Ang gawaing ito ay patunay ng dedikasyon ng yunit sa pakikipag-ugnayan sa komunidad at pagpapatupad ng pinakamahusay na pamamaraan sa pag-iwas sa krimen sa pamamagitan ng edukasyon at kamalayan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *