Tree Planting Activity, isinagawa sa Boac, Marinduque

0
viber_image_2025-09-02_12-31-50-818

Nagsagawa ng Tree Planting Activity ang Commission on Elections (COMELEC) bilang bahagi ng kanilang 85th Founding Anniversary sa Brgy. Tumagabok Boac, Marinduque noong Agosto 31, 2025.

Ang aktibidad na ito ay pinangunahan ng COMELEC kabilang na ang mga tauhan mula sa Philippine Army at mga lokal na opisyal ng barangay. Nakiisa rin si PCol Arthur A. Salida, Provincial Director ng Marinduque Police Provincial Office, kasama si PMaj Jerome V. Mendiola, Acting Chief PCADU, at ang Torrijos Municipal Police Station sa pagtatanim ng puno at pagbibigay ng siguridad sa naturang aktibidad.

Itinampok ng kanilang sama-samang pagsisikap ang kahalagahan ng pagtutulungan ng inter-agency sa pagsusulong ng kamalayan sa kapaligiran at pagpapaunlad ng komunidad.

Ang pagtatanim ng puno ay simbolo ng paglago, katatagan, at pag-asa na lubos na sumasalamin sa misyon ng ating gobyerno para sa pambansang kaunlaran. Pinatibay din nito ang papel ng mga tagapagpatupad ng batas at mga lokal na pamahalaan sa pagsuporta sa mga civic activities para sa kapakinabangan ng mga susunod na henerasyon.

Source: Marinduque Police Provincial office

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *