R-PSB Kabankalan, nakibahagi sa 3rd Founding Anniversary at Induction Ceremony ng OIS-RAC
Isang makabuluhang pagtitipon at pagtutulungan ang isinagawa sa Sitio Lupni, Brgy. Hilamonan sa pagdiriwang ng 3rd Founding Anniversary, Induction of Officers, at Oath-Taking Ceremony ng Organization for Internal Safety and Response Against Crime (OIS-RAC) nito lamang ika-1 ng Septyembre, 2025.
Pinangunahan ng R-PSB Kabankalan Team sa pamumuno ni PLT FELICIMO D VINGNO ang pagbibigay ng inspirasyonal na mensahe na nagsilbing gabay at lakas sa mga bagong halal na opisyal at kasapi ng organisasyon.
Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ni PLT Vingno ang kahalagahan ng pagkakaisa at pagtutulungan ng iba’t ibang sektor, partikular ng PNP at OIS-RAC, upang mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa komunidad.
Ang ganitong uri ng kolaborasyon ay hindi lamang nagpapalakas sa kakayahan ng mga lokal na grupo laban sa krimen, kundi nagiging daan din upang mas maging epektibo ang pagpapatupad ng batas sa antas-barangay.
Ang naturang aktibidad ay nagpatunay na ang pagkakaisa ng pamahalaan, mga organisasyon, at ng kapulisan ay pundasyon ng isang ligtas at maunlad na pamayanan.
Sa pamamagitan ng pagtitiwala at sama-samang pagkilos, naipapakita na ang laban kontra krimen ay hindi lamang responsibilidad ng pulisya kundi ng buong komunidad.
Source: RPSB Hilamonan, Kabankalan