BPATS Training, isinagawa ng Catanduanes 1st PMFC sa Barangay Agban

Naging matagumpay ang isinagawang Barangay Peacekeeping Action Team (BPATs) Training ng Catanduanes 1st Provincial Mobile Force Company (PMFC), 1st Platoon noong Setyembre 1, 2025 sa Barangay Agban, Baras, Catanduanes.
Pinangunahan ito ni Pat Frederick Parba sa ilalim ng direktang pamumuno ni PLTCOL Joseph Abel D. Jarabejo, Force Commander.
Ang naturang pagsasanay ay dinaluhan ng mga kasapi ng BPATs ng Barangay Agban, na pinamumunuan ni Hon. Salve G. Tapia, Barangay Kagawad, kasama ang mga Barangay Tanod.

Layunin ng aktibidad na ito na palakasin ang kakayahan at kaalaman ng mga lokal na peacekeepers upang mas epektibong makatulong sa pagpapanatili ng kaayusan, kapayapaan, at seguridad sa kanilang komunidad, lalo na sa mga pampublikong lugar tulad ng paaralan at mga pampublikong pasilidad.

Bilang bahagi ng pagsasanay, tinalakay rin ng mga tauhan ng 1st PMFC ang mahahalagang probisyon ng Republic Act 9165, o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Ito ay upang mapalawak ang kaalaman ng mga barangay volunteers hinggil sa masidhing kampanya kontra iligal na droga—mula sa paggamit, pagbebenta, paggawa, hanggang sa distribusyon ng mga ipinagbabawal na gamot.
Ang nasabing aktibidad ay isa sa mga konkretong hakbang bilang pagtugon sa marching order ni Governor Joseph Cua at sa direktiba ni Gobernador Patrick Gerard Azanza na labanan ang kriminalidad at itaguyod ang kaligtasan at kapakanan ng mga mamamayan ng Catanduanes.
Patuloy ang Catanduanes 1st PMFC sa kanilang adbokasiya na maging katuwang ang bawat barangay sa pagtataguyod ng mapayapa, maayos, at ligtas na pamayanan sa lalawigan.
Source: Cat 1st Pmfc