Crime Prevention Lecture, pinagtulungang idinaos sa Culasi, Antique

Isang matagumpay na aktibidad ang isinagawa sa tulong ng kumunidad at LGU sa pangunguna ng mga tauhan ng Culasi Municipal Police Station (MPS) sa pamumuno ni PMAJ DOMINICK C PARREÑO, Acting Chief of Police, ang isang makabuluhang crime prevention lecture para sa mga opisyal ng barangay at mga residente ng Barangay Flores, Culasi, Antique, naginanap nito lamang ika-2 ng Septyembre 2025.
Layunin ng aktibidad na palawakin ang kaalaman ng komunidad hinggil sa kahalagahan ng pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan, gayundin ang pagbibigay ng tamang impormasyon kung paano maiiwasan ang krimen.
Ilan sa mga tinalakay ay ang mga karaniwang uri ng krimen at paraan upang ito’y maiwasan, ang kahalagahan ng aktibong partisipasyon ng mamamayan sa pagpapanatili ng katahimikan, tamang proseso ng pagrereport sa pulisya, at ang mga emergency hotlines na maaaring tawagan.
Itinampok din sa pagtitipon ang kahalagahan ng pagkakaisa ng pulisya, mga opisyal ng barangay, at mga residente sa pagbabantay at pagpapanatili ng ligtas na kapaligiran.
Ayon sa Culasi MPS, ang ganitong pagtutulungan ay patunay na mas nagiging matatag ang ugnayan ng komunidad at ng PNP, na siyang susi sa mabisang paglaban sa kriminalidad.
Bahagi ito ng selebrasyon ng Crime Prevention Week na layong palakasin ang relasyon ng pulisya at ng komunidad.
Sa pamamagitan ng kolaborasyon ng lahat ng sektor, umaasa ang Culasi MPS na patuloy na mapapaigting ang pagkilos tungo sa mas ligtas, payapa, at maunlad na kumunidad.
Source: Culasi MPS FB Page