5-Day Critical Emergency Response Exercises, isinagawa sa Samar
Nakiisa ang mga Force Multipliers sa isinagawang 5-Day Simulation Exercise/Critical Emergency Response Exercise at Table Top Exercise sa Catbalogan City, Samar nito lamang Setyembre 2, 2025.
Alinsunod sa pangako sa kaligtasan ng publiko at kahusayan sa pagpapatakbo, pinangunahan ng Samar Police Provincial Office ang aktibidad kasama ang Municipal at City Police Stations, gayundin ang 1st at 2nd Samar Mobile Force Companies na ginanap sa pamamagitan ng Zoom platform.

Dumalo rin ang mga kawani ng Disaster Risk Reduction and Management Office, BFP at mga Barangay Officials ng nasabing lugar.
Nakatuon ang pagsasanay sa paghahanda at pagpapahusay ng operational readiness ng mga yunit ng pulisya sa pagtugon sa mga natural na kalamidad at iba pang kritikal na insidente.

Sa pamamagitan ng scenario-based drills, nagawa ng mga kalahok ang pagsasanay ng may koordinasyon, mabilis na pagtugon, gamit ang iba’t ibang crisis management strategies na mahalaga sa pagtiyak ng kaligtasan ng publiko at upang maiwasan ang anumang aberya sa panahon ng mga sakuna.
Binigyang-diin ng Samar PPO na ang pagsasagawa ng SIMEX/CEREX at mga katulad na aktibidad ay mananatiling regular na gawain upang mapanatili ang kakayahan ng PNP sa pagtugon sa kalamidad at ang pagbibigay proteksyon sa komunidad.