BPATs, katuwang sa pagsusulong ng seguridad at kahandaan sa kalamidad sa Balaoan, La Union

Pinangunahan ng mga tauhan ng Balaoan Municipal Police Station (MPS), sa ilalim ng pamumuno ni PMaj Jane Michael M. Algo, Officer-in-Charge, ang isang makabuluhang dayalogo kasama ang mga opisyal ng barangay at mga miyembro ng Barangay Peacekeeping Action Teams (BPATs) noong September 3, 2025.

Binigyang-diin ang mahalagang papel ng mga BPATs bilang katuwang ng kapulisan sa pagpapanatili ng kapayapaan, kaayusan, at seguridad sa kani-kanilang mga barangay. Pinuri ang kanilang dedikasyon at aktibong pakikilahok sa mga gawaing pangkomunidad tulad ng regular na neighborhood watch, pagbabantay sa pagpapatupad ng curfew hours, at pagtugon sa mga insidente, lalo na sa panahon ng kalamidad.

Tinalakay din sa dayalogo ang mga hakbang upang mapalawak at mapahusay pa ang koordinasyon sa pagitan ng PNP at mga BPATs, kabilang na ang mga pagsasanay upang mas mapaigting ang kanilang kakayahan bilang unang tumutugon sa mga insidente sa komunidad.

Ang ganitong aktibidad ay patunay ng matibay na ugnayan ng kapulisan at ng mga barangay sa Balaoan sa layuning magkaroon ng mas ligtas, disiplinado, at handang komunidad sa harap ng anumang hamon.

Panulat ni CGD
Source: Balaoan PS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *