Drug Awareness Lecture at 911 Emergency Hotline Orientation, isinagawa sa San Pablo City, Laguna

Bilang bahagi ng patuloy na kampanya ng kapulisan kontra ilegal na droga at sa pagsulong ng kaligtasan ng kabataan, matagumpay na isinagawa ang Drug Awareness and Prevention Lecture kasama ang 911 Emergency Hotline Orientation sa San Lucas 2 Elementary School, Brgy. San Lucas 1, San Pablo City, Laguna nitong Miyerkules, ika-3 ng Setyembre 2025.

Pinangunahan ang naturang aktibidad ni Pat Ma Paula G. Antona, Asst. CAD PNCO ng San Pablo Component City Police Station, sa ilalim ng pangangasiwa ni PLtCol Redentor G. Tiraña, Acting Chief of Police. Katuwang sa nasabing programa ang mga guro at mag-aaral ng nasabing paaralan.

Nagbigay-diin ang mga tagapagsalita sa kahalagahan ng edukasyon bilang sandata ng kabataan laban sa tukso ng ilegal na droga. Sa pamamagitan ng pagbibigay ng wastong impormasyon, inaasahang matutulungan ang mga mag-aaral na makagawa ng matalinong desisyon tungo sa isang malusog at ligtas na kinabukasan.

Layunin ng aktibidad na bigyang-kaalaman ang mga mag-aaral at guro ukol sa masamang epekto ng droga, paano ito maiiwasan, at kung paano maging responsable sa pagtugon sa mga sitwasyong pang-emergency sa pamamagitan ng tamang paggamit ng 911 Emergency Hotline.

Source: San Pablo City Police Station

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *