Lorma Medical Center, naghatid ng libreng serbisyong medikal sa San Fernando, La Union

Naghatid ng libreng serbisyong medikal ang Lorma Medical Center sa halos 100 residente ng Barangay Poro, San Fernando City noong Agosto 30, 2025, katuwang ang Love Radio, Aksyon Radyo La Union, at Alagang Unilab Community.
Pinangunahan ng mga doktor mula sa Family Medicine at Internal Medicine Departments ang medical mission na layong magbigay ng accessible na kalusugan at wellness education sa mga underserved communities.
Kabilang sa mga tumulong sina Dr. Christian Gurion, Dr. Leumee Dulay, Dr. Kaezel Dilem, Dr. Pauline Tambalo, Dr. John Galvan, at Dr. Charlene Cepe, na nagsagawa ng general medical consultations para sa mga residente.
Ayon sa pamunuan ng Lorma Medical Center, patuloy nilang isusulong ang mga programang pangkalusugan na makaaabot sa mga komunidad na higit na nangangailangan ng serbisyong medikal.

Ang ganitong mga inisyatiba ay hindi lamang nagbibigay ng agarang lunas sa mga karamdaman, kundi nagpapakita rin ng tunay na diwa ng malasakit at bayanihan na siyang itinataguyod sa Bagong Pilipinas. Sa paglapit ng serbisyong medikal sa mamamayan, higit na nagiging matibay ang pundasyon ng isang bansang malusog, maunlad, at may malasakit sa bawat Pilipino.