Pagpapalakas ng komunidad at kalikasan sa Aborlan, Palawan, tampok sa Agroforestry Development Training ng PG-ENRO

Nagsagawa ang Provincial Government–Environment and Natural Resources Office (PG-ENRO) ng Agroforestry Development Training nitong nakalipas na Setyembre 2-3, 2025 sa AKC Country Homes, Puerto Princesa City Palawan.

Dinaluhan ang pagsasanay ng 52 kalahok mula sa Brgy. Sagpangan, Aborlan, kabilang ang mga opisyal ng barangay, miyembro ng kooperatiba, katutubo, at iba pang residente katuwang ang mga kapulisan ng Puerto Princesa City Police Station sa pag bibigay ng seguridad sa naturang aktibidad

Ayon kay PG-ENR Officer Atty. Noel E. Aquino, layunin ng aktibidad na mapalawak ang kaalaman ng mga kalahok sa agroforestry, na nakahanay sa 5-Point Development Agenda ni Gob. Amy Roa Alvarez.

Katuwang ang Department of Agriculture, tinalakay sa pagsasanay ang disenyo ng agroforestry farm at isinagawa rin ang aktwal na pagtatanim bilang bahagi ng praktikal na gawain ng mga kalahok.

Umaasa ang PG-ENRO na maisasabuhay ng mga dumalo ang kanilang natutunan upang maisulong ang sustenableng pagsasaka at pangangalaga sa kalikasan sa kanilang komunidad.

Source: Palawan Island Network

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *