Stakeholders at Force Multipliers sa Cauayan, Isabela, solido ang suporta sa kapulisan

Solido at matibay pa rin ang pagpapakita ng suporta ng mga iba’t ibang stakeholders at force multipliers sa mga programa ng mga kapulisan, sa kanilang pagdalo sa isang simpleng pagpupulong na ginanap sa Cauayan City Police Station, Cauayan City, Isabela noong ika-3 ng Setyembre 2025.
Sa pamamagitan ng pagkortesiya ng KAAKIBAT CIVICOM, Kabataan Kontra Droga At Terorismo (KKDAT), religious sectors, at Citizens Information and Assistance (CIA) Force Multipliers ay kanilang ibinahagi ang kanilang mga programa at plano para matulungan ang mga kapulisan sa pagtupad ng kanilang mandato na mapanatili ang katahimikan at kaayusan ng naturang lungsod.

Sa kabilang banda, nagkaroon din ng Memorandum of Agreement sa pagitan ng Cauayan CPS sa pamumuno ni Police Lieutenant Avelino D Canceran Jr., Hepe, at KABALIKAT CIVICOM upang muling pagtibayin ang pangangakong pagtutulungan at pagkakaisa tungo sa isang mas ligtas at mas progresibong komunidad.
Source: Cauayan Component City Police Station